|
Pasahe Sa Isang Jeep
Pasahero: Mama, Magkano Po Yung Pasahe?
Driver: 7.50 Yung Minimum
Pasahero: (Dumukot Ito Sa Bulsa Para Kunin Yung Pera Niya, Ngunit sa Di Sinasadyang Dahilan Kulang Yung Pamasahe Niya.) Patay, Kulang Yung Pera Ko. Paano Kaya Ito? (Nag Isip Ito At Lumingon Sa Driver. Napansin Niya Na Duling Ito. Sabi Niya Sa Kanyang Sarili, Tama Duling Yung Driver Sigurado Pag Nagbigay Ako Ng 3.75 di Niya Mapapansin Na Kulang Yung Pera Ko. Kasi Doble Yung Paningin Nito. Inabot Niya Sa Driver Yung Pera.
Ngunit Laking Gulat Niya Nung May Sinabi Yung Driver Sa Kanya.
Driver: Kulang Ito!
Pasahero: Anong Kulang? Di Ba Sabi Mo 7.50 Yung Minimum?
Driver: Oo Nga 7.50 eh Dalawa Kaya Kayo.
Pasahero: Patay! Akala Mo Lusot Kana ha?
______________________________________________________________
FATHER AND SON
ANAK: tay sabi ng titser namin kelangan daw namin ng COCOMBAN.
FATHER: anak, 15 years old ka na ganyan ka pa mgsalita..
ANAK: eh ano po tay'..
FATHER: e di BOMB PEPPER...
______________________________________________________________
Nakakasalat
Sakristan: Father, may libangan din ba ang mga Pari?
Pari: Oo, naman, pag dating ng hapon, kaming mga pari dito sa bayan ay naglalaro ng Mahjong.
Sakristan: Bakit po naman Mahjong pa ang napili niyong laro?
Pari: Kasi, dito lang kami nakakasalat ng flower, Iho!
______________________________________________________________
Praying for 10 Pesos
Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos.
Pulubi: "Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na lang po ako."
Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: "Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain".
Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: "Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas".
______________________________________________________________
Battle of the Brainless
H : What is the national flower of the Philippines?
Clue : It starts with the letter "S" (Sampaguita)
C : Sunflower?
H : Hindi. Binebenta ito sa kalye.
C : Stork?
H : Hindi. Bulaklak sabi, eh.
C : Sitsarong bulaklak?
H : Hindi pa rin. Ends with the letter "A"
C : Sitsarong bulaklak na may suka?
H : O, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa...
pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
C : Si Sharon Cuneta!
______________________________________________________________
Isolated Camp
Isang U.S. Major ang na-stationed sa isolated na Kampo sa Iraq. Kinabukasan, habang may ispection, napansin ng Major ang isang camel na nakatali sa likuran ng Barracks. Nagtanong siya sa Sergeant kung bakit may alagang camel sa Kampo.
SGT: Major, dito sa kampo, masyadong malayo ang bayan kaya't kung sinuman ang gustong makatikim ng ligaya, nandito naman ang camel.
Major: Bawal mag alaga ng hayop dito sa Kampo pero kung para sa 'morale' ng mga Troops, it's okey with me.
Makalipas ang anim na buwan, hindi na makatiis ang Major kaya't tinawag ang Sarhento.
Major: Dalhin mo dito sa tent ang camel. Walang nagawa ang Sarhento kaya't dinala ang camel sa loob ng tent. Makalipas ang 15 minutes, lumabas ang Major na nakangiti.
Major: Sergeant, ganito ba ang ginagawa ng mga Troops pag nalulungkot sila?
Sergeant: Hindi po Sir, sinasakyan nila ang camel papunta sa bayan para makahanap ng mga babae!
______________________________________________________________
|